CAUAYAN CITY – Pinapayagan na ang “angkas” para sa mga magkapamilyang naninirahan sa parehong bahay sa Lungsod.
Kung empleyado o nagtatrabaho sa mga opisina at establisimyentong pinapayagang magbukas o mag-operate ngayong GCQ Bubble, Exempted sa Number Coding.
Pinayuhan naman ang magka-angkas na magdala palagi ng valid ID bilang patunay na magkamag-anak at naninirahan sa iisang bahay at Siguraduhing magsuot ng helmet.
Samantala, dahil sa magandang intervention ay nagpasya ang Cauayan City COVID 19 Task force na palawigin ang GCQ bubble hanggang sa ika siyam ngayong Mayo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya na nagsagawa sila ng final assesment noong nakaraang biyernes at nakita na naging epektibo ang ipinatupad nilang pagtatag ng boarder check points dahil kapansin pansin ang malaking pagbaba ng kaso ng Covid 19 sa Lunsod.
Kapansin pansin rin sa pag-iikot nila sa mga pagamutan na bahagya ring bumaba ang admission.
Nilinaw naman niya na sa pagpapalawig ng GCQ bubble ay hindi naman nito malalabag ang panibagong Quarantine Status na ibinaba ng Inter Agency Task Force dahil may kapangyarihan naman ang LGU na magpatupad ng ibat ibang panuntunan upang mapababa ang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Sa ilalim ng nagpapatuloy na GCQ bubble ay mananatili ang pagpapatupad ng mga restriction mula sa boundary check point , mga bahay kainan at bahay kalakal.
Hindi rin binago ang kasalukuyang curfew hour na magsisismula ng alas nuebe ng gabi hanggang sa alas kuwatro ng madaling araw .
Nilinaw niya na umiiral pa rin ang liqour ban kaya ipinagbabawal pa rin ang pag-inom ng alak kahit sa loob mismo ng kanilang bahay.
Ipagbabawal din rin ng Covid 19 task force ang angkas kahit na mag-asawa,magkapamilya, mag-kamag-anak o nakatira sa iisang bubong.
Bagamat, pinayagan na ang 30% capacity ng mga salon at barber shop ay ipagbabawal pa rin ang manicure at pedicure.