--Ads--

CAUAYAN CITY – bumaba ang ani ng ilang magsasaka na naapektuhan ng mga peste sa bukid noong nagsimula pa lamang ang taniman ng palay sa Santiago City.

Ngayong panahon ng anihan hindi maiwasan ng mga naunang nagtamin ng magsasaka ang epekto ng mga pesteng umaatake tulad ng rice black bug, Grasshopper at iba pa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni City Agriculturist Dominador Fernandez ang mga naunang nagtanim umano ang naapektuhan.

Noong umatake ang mga peste sa bukid ay panahon ng pamumulaklak ng mga palay na naunang naitanim.

--Ads--

Bagamat bumaba ang ani ay masasabing kumita pa rin ang mga magsasaka at hindi sila nalugi dahil kung ihahalintulad ang kabuoang ani noong nakaraang taon na dry season, mas malaki umano ang ani ngayong taon dahil mas malaking porsyento pa rin ang hindi naapektuhan ng mga peste sa bukid.

Sa kanilang talaan ngayong taon ay nasa 100 hanggang 150 kaban ang kanilang naaani sa bawat isang ektaryang sakahan patunay umano ito na hindi lahat ng bukid ay naapektuhan ng peste sa bukid.