--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Magat Dam dahil sa patuloy na pag ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Wilfredo Gloria, ang Department Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na dahil sa patuloy na pag ulan ay malaki na ang volume ng tubig sa water reservoir ng Dam kaya kailangan nilang magrelease.

Sa update ng NIA-MARIIS kaninang alas singko ng umaga ay nasa 191.39 meters above sea level na ang elevation ng tubig sa reservoir na 2059 cubic meters per second ang inflow ng tubig at 2790 cubic meters per second naman ang outflow.

Anim na spillway gates ang kasalukuyang bukas na may lawak na labindalawang metro.

--Ads--

Ayon kay Engr. Gloria malaki pa rin ang volume ng pumapasok ng tubig sa Dam dahil patuloy ang pag ulan sa mga watershed areas nito.

Aniya nasa 4,143 square kilometers ang lawak ng nasasakupan ng watershed ng Magat Dam at may walong tributary rivers.

Ayon kay Engr. Gloria, huwag agad isisi sa Magat Dam dahil 15% lamang ang kontribusyon ng mga tributaries ng dam sa pinakababang bahagi ng Cagayan River o sa bukana na ng dagat.

Dapat ay holistic approach aniya o lahat ng mga ahensya maging ng mga mamamayan ay magtulungan upang makaisip ng solusyon sa nagaganap na pagbaha.

Ang bahagi ng pahayag ni Engr. Wilfredo Gloria.