CAUAYAN CITY – Anim na tao ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Ibung,Villaverde, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid, hepe ng Villaverde Police Station, sinabi niya na ang mga sangkot na sasakyan ay isang tricycle na may tatlong pasahero, isang motorsiklo at isang pick up.
Lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na nasa impluwensya ng alak ang tsuper ng tricycle at motorsiklo at umagaw naman ng linya ang pick up na nagresulta sa salpukan ng tatlong sasakyan.
Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang mga lulan ng tricyclegayundin ang mga sakay ng motorsiklo.
Human error ang nakikita nilang sanhi ng aksidente lalo at madilim sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.
Sa ngayon dalawa sa mga nasugatang biktima ay nasa pagamutan pa at nagpapagaling.
Paalala niya sa mga motorista na hanggat maaari ay iwasan ang magmaneho ng nakainom para makaiwas sa aksidente.
Tinig ni PMaj. Novalyn Aggasid.