--Ads--

CAUAYAN CITY- – Apektado ngayon ang mga backyard animal raisers sa Central Isabela 4 dahil sa malamig na lagay ng panahon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, matamlay ngayon ang kanilang mga alagang hayup pangunahin na ng mga baboy at manok.

Dahil sa lamig ng panahon ay nagsasanhi anya ito ng pagkamatay ng mga sisiw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Rodolfo Melivo ng Municipal Agriculture Office ng San Mateo na normal lamang na matamlay ang mga alagang hayup ngayong malamig na panahon.

--Ads--

Mainam na bigyan ng preventive measures upang maiwasan na mamatay ang mga alagang hayup sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga antibiotic sa mga alagang hayup.

Kapag mapabayaan anya ang alagang hayup ay posibleng umabot na sampo hanggang labing limang bahagdang mortality rate batay sa kanilang produksiyon.