--Ads--

Inanunsyo ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan na sisimulan na ang renewal ng fire safety clearance sa 2026 bilang bahagi ng paghahanda para sa annual business permit renewal season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay FCInsp. Francis David Barcellano, hepe ng Cauayan City Fire Sation, sinabi niya na isasagawa ang proseso sa pamamagitan ng one-stop shop katuwang ang Business Permit and Licensing Office (BPLO), at lokal na pamahalaan upang mapabilis ang transaksyon ng mga business at building owners.

Kabilang sa mga requirements ng Business renewal ay ang pagiging compliant ng mga establishimento sa lahat ng fire safety standards, at dapat ay functional ang lahat ng kanilang fire safety equipment bago sumapit ang buwan ng Enero sa susunod na taon.

Binigyang-diin din ni Barcellano na required ang pagsusumite ng mga estrablishimento ng fire safety report kung saan hinihikayat naman nito ang mga may-ari isumite ito ng mas maaga upang maiwasan ang posibleng aberya sa buwan ng renewal.

--Ads--