Bumuo na ang Isabela State University ng Anti Cybercrime committee na tututok sa pagbabantay sa lahat ng mga nangyayari may kaugnayan sa Information and Communication Technology.
Kasunod ito ng ilang mga insidente ng mga bomb threat sa ilang mga campus ng unibersidad.
Layon ng pagbuo nito na matutukan ang mga staff at estudyante pagdating sa kanilang kaligtasan sa cyberspace.
Ito rin ang hahahawak sa mga aktibidad na may kaugnayan sa ICT maging ang pagiimbestiga ng Unibersidad sa mga kaso ng bomb threat.
Ayon kay ISU system President Dr. Boyet Batang, malawak ang kaalaman ng mga hahawak sa komite kaya tiyak na magagampanan nila ito ng mabuti.
Aniya, may posibilidad kasi na totoo na maaring estudyante rin ang may kagagawan ng bomb threat kaya sa ganitong paraan ay may grupo na tututok dito.
Giit pa ng University President, hindi lang tungkol sa bomb threat ang pagbuo nito kundi layon din nitong maprotektahan ang kanilang mga staff at estudyante sa karahasan may kinalaman ang cyberspace.









