--Ads--

CAUAYAN CITY- Hanggang ika-26 na lamang ng Agosto ngayong taon ang ibinigay na palugit ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan sa mga Service Providers para ayusin ang kanilang mga wires at poste.  

Ito ay alinsunod sa naipasang Anti-Dangling Wire Ordinance ng Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlunsod Member Miko Delmendo ng Cauayan City, sinabi niya binigyan lamang nila ng 45 days na palugit ang mga service providers para maisaayos ang kanilang mga wires matapos silang ipatawag sa sesyon.

Papatawan naman ng karampatang parusa ang mga service providers na hindi makakapag-comply matapos ang deadline.

--Ads--

Maaari naman silang magbayad ng 40,000 pesos sa kanilang penalty at ang pinakamabigat ay maari silang makulong ng nasa isang buwan.

Aniya, pagkatapos ng ilaw araw na palugit ay muli niyang ipapatawag ang mga ito upang ilatag ang mga ginawa nilang aksyon kaugnay sa pagsasaayos ng mga wires.

Bagama’t mayroon nang isinumiteng accomplishment report ang ilang mga service providers ay hindi pa rin kumbinsido ang Konsehal dahil wala pa siyang gaanong nakikita na development.

Hiniling din niya sa mga service providers na magbigay ng imbentaryo upang madaling malaman kung sinu-sino ang nagmamay-ari ng mga hindi maayos na linya at poste.

Aniya, gumawa rin siya ng resolusyon kaugnay sa pagbuo ng Anti-Dangling Task Force upang matutukan ng maigi ang problema sa buhol buhol na mga linya.