--Ads--
CAUAYAN CITY– Naging matagumpay ang isinagawa ng Reina Mercedez Police Station na anti drugs at anti-bullying symposium sa isang paaralan sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Bruno Palattao, hepe ng Reina Mercedez Police Station na nagbigay sila ng lectures kaugnay sa anti- bullying at iligal na droga.
Aktibo aniya ang mga mag-aaral sa pagtatanong kaugnay sa kanilang tinalatalakay.
Tinuruan din ng mga pulis ang mga mag-aaral sa kung ano ang narapat nilang gawin sakaling makaranas sila ng pambu-bully.
--Ads--
Sinabi pa ni Police Senior Insp. Palattao na nagpasalamat naman ang mga guro at mga magulang ng mga mag-aaral sa isinagawa nilang symposium.




