CAUAYAN CITY- Ikinabahala ng isang Political Analyst ang pagkakapasok ng isang Chinese National sa Auxillary Group ng Philippine Coast Guard o PCG.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, sinabi niya na bagamat nakakabahala ito dapat linawin na ang PCGA ay isang Civic Organization at hindi unit o konektado sa anumang operasyon Coast Guard.
Ayon sa kaniya ang nakaka-aalarma ay ang malapit na presensya ng mga pinapalusot na Chinese Nationals para makaasok sa grupo na malapit sa ahensya ng pamahalaan.
Sa kabila ng mga naglilitawang issue ay napapanahon na para mareporma ng Anti-Espionage Legal Framework ng Pilipinas na ilang dekada ng umiiral na dapat pangunahan at talakayin ng Senado at Kongreso.
Malinaw aniya na may butas ang umiiral na batas dahil sa mga indibiduwal na madaling nakakalusot dahil sa maluwag na pagbabantay.
Giit niya nais niya ngayon na matukoy ang mga hakbang na gagawin dito ng mga ahensya ng pamahalaan lalo na at may ilang mga tanggapan na nakakatanggap naman ng intelligence fund.
Dapat ay bumuo ng isang ahensya na siyang mahigpit na magbabantay sa mga dayuhang nais sirain ang administrasyon ng Pilipinas lalo at lumalabas sa ginagawang imbestigasyon ni Sen. Ping Lacson na may mga sleeper agents na rin sa bansa.






