--Ads--
CAUAYAN CITY- Pumasa na sa ikalawang pagbasa ang isinusulong na Anti-Fake News Ordinance ng Panlunsod na Konseho.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguninang Panlunsod Member Paulo Eleazar Mico Delmendo, sinabi niya na pumasa na sa ikalawang pagbasa ang ordinansang kaniyang isinusulong kaugnay sa lumalaganap na fake news.
Kung matatandaan na binulabog ng isang bomb threat ang Our Lady of the Pillar College Cauayan Campus kaya napapanahon na para maipasa na ang kaniyang ordinansa.
Makakatuwang nila sa pagpapatupad at monitoring sa implementasyon ng Anti Fake News Ordinance ang Law Enforcement Agencies kaya sinumang mahuhuli o mapapatunayang lalabag ay maaaring magmulta ng 5,000 pesos o makulong ng 1 araw hanggang 30 araw.
--Ads--