Nakatakdang talakayin sa plenaryo ng Kamara de Representantes sa loob ng susunod na dalawang linggo ang panukalang Anti-Political Dynasty Bill.
Ito ang kinumpirma ni Zia Alonto Adiong, chairperson ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms at kinatawan ng Lanao del Sur, sa isang press briefing nitong Miyerkules, Pebrero 25.
Ayon kay Adiong, inaasahang magkakaroon na ng committee adoption sa susunod na linggo para sa substitute bill, at maaari na itong isumite para sa plenary debate sa mga susunod na araw.
Iginiit ng mambabatas na walang dapat maging hadlang sa pagpasa ng naturang panukala dahil mandato ito ng Konstitusyon. Aniya, ang pangunahing usapin na lamang na kailangang plantsahin ay kung hanggang anong civil degree ng relasyon ang saklaw ng pagbabawal sa pagtakbo o paghawak ng posisyon ng magkakamag-anak.
Sa kasalukuyan, tinatapos na ng komite ang substitute bill na pinagsama-samang 24 na panukalang may kaugnayan sa anti-political dynasty law.
“Majority of the versions that we received, hanggang second degree ng consanguinity at affinity ang ipinapanukalang prohibition. Ang iba naman ay hanggang fourth degree,” paliwanag ni Adiong.
Dagdag pa niya, kung pagbabatayan ang bilang ng mga panukalang inihain, mas nakararami ang nagsusulong ng pagbabawal hanggang second civil degree ng relasyon.
Binanggit din ni Adiong na hanggang second civil degree ang itinakdang limitasyon sa ilalim ng Sangguniang Kabataan Law at ng batas na lumikha sa Bangsamoro Autonomo








