CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Cabatuan Isabela na kulang ang tustos ng Anti-Rabies vaccine sa kanilang Rural Health Unit.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Charlton Uy, sinabi niya na pansamantalang walang tustos ng bakuna ang kanilang RHU.
Sakabila ng kulang na tustos ay tinitiyak ng LGU na ligtas ang mga bakuna para sa mga nakakagat ng Aso, Pusa at iba pang hayop.
Sa katunayan aniya may kakulangan din talaga sa DOH subalit nag purchase ang LGU na kanilang sinusuri kung ito ay epektibo dahil malaking tulong sa kanilang nasasakupan.
Una narin silang humiling sa DOH Region na na mabigyan ng supply ng bakuna at hangang ngayon ay hinihintay pa nilang ang tugon.
sa ngayon ang mga pasyente na nangangailangan ng bakuna ay nirereffer sa ibang pagamutan.










