--Ads--

Nakatakdang buksan sa publiko ang Aparri-Camalaniugan Bridge sa lalawigan ng Cagayan sa araw ng Huwebes, Enero 8.

Ayon kay Engr. Mathias Malenab, Regional Director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2, sinabi niya na pagpapasinaya sa naturang tulay ay pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pagkatapos ng sermonya ay tuluyan na itong bubuksan sa lahat ng uri ng sasakyan na pasok sa load capacity ng tulay upang matiyak na mapangalagaan ito.

Kahapon, Enero 5 ay sumailalim sa road test ang Aparri-Camalaniugan Bridge kung saan dumaan dito nang sabay-sabay ang walong 10-wheeler trucks na nagkakahalaga ng 40 tons bawat isa.

--Ads--

Pinatigil umano ang mga trucks sa iba’t ibang bahagi ng tulay upang maobserbahan kung gaano katibay ang tulay.