Kinumpirma ng US Central Command (Centcom) na apat sa anim na crew ng isang KC-135 Stratotanker refuelling aircraft ang nasawi matapos bumagsak sa kanlurang Iraq.
Patuloy ang rescue operations para sa dalawa pang crew.
Ayon sa Centcom, walang kinalaman ang hostile o friendly fire sa insidente, ngunit iniimbestigahan pa ang eksaktong dahilan.
Ang KC-135 ay ginagamit sa midair refuelling at mahalaga sa operasyon ng US military; isa pang tanker na kasama sa misyon ay ligtas na nakalapag.
Ang crash ay naganap Huwebes ng hapon (oras ng US), habang nasa combat mission ang crew.
Pansamantalang hindi muna inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga nasawi hanggang maabisuhan ang kanilang pamilya.
US Defense Secretary Pete Hegseth tinawag silang “American heroes” at iginiit na ang kanilang sakripisyo ay magpapatibay sa misyon.
Ang insidente ay nagdadagdag sa bilang ng nasawi ng US military sa kasalukuyang digmaan ng US-Israel laban sa Iran, na umabot na sa 11.
Nasa apat na eroplano na ang nawala ng US sa kasalukuyang labanan.
Samantala, Israel ay nagsagawa ng malawakang airstrikes laban sa imprastruktura ng Iran sa Tehran, na nagdulot ng mga pagsabog.
Tumaas muli ang presyo ng langis sa higit $100 kada bariles, habang bumagsak ang stock markets dahil sa tensyon sa Strait of Hormuz.
Sa hiwalay na insidente, isang French soldier ang napatay at anim ang nasugatan matapos tamaan ng drone strike sa isang Kurdish base sa hilagang Iraq.







