--Ads--

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Myanmar na hindi pa rin matagpuan ang apat na nawawalang Pilipino sa malakas na lindol sa Myanmar.

Kaugnay nito, sisimulan na ng National Bureau of Investigation-Disaster Victim Identification Division (NBI-DVID) ang pangangalap ng tissue samples mula sa unidentified remains na narekober sa gumuhong Sky Villa building sa Myanmar.

Habang ang NBI-DVID sa Manila ay kukuha rin ng samples sa pamilya ng missing Filipinos.

Samantala, isa pang batch ng mga Pinoy na naapektuhan ng lindol ang ililipat ng Philippine Embassy ng pansamantalang tirahan.

--Ads--

Habang ang mga Pinoy naman na tumangging magpa-relocate ay binigyan muna ng embahada ng temporary accommodation at sinasagot ang kanilang transportasyon.

Tiniyak din ng Philippine Embassy na patuloy silang bibigyan ng financial assistance at medical assistance kabilang na ang trauma counseling.