--Ads--

CAUAYAN CITY- Puspusan na ang preparasyon ng Civil Registrar Office para sa gaganaping kasalang bayan sa lungsod ng Cauayan sa darating na ika-10 ng Pebrero ngayong taong 2025.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Nerissa Serrano, Civil Registrar Officer, sinabi niya na puspusan na ang kanilang paghahanda kung saan nag-umpisa ang aplikasyon noong unang linggo ng Enero at nagtapos naman noong ika-27 ng Enero bilang bigyang daan ang paglalakad ng mga papeles bago ang isasagawang kasalang bayan.

Kinakailangan kasi aniya na ilakad ang mga dokyumento sa PSA tulad ng birth certificate at cenomar.

Samantala, ikinalungkot naman ng tanggapan na hindi nito nakamit ang target couple na 200 para sa kasalang bayan ngayong taon.

--Ads--

Noong nakaraang taon kasi aniya ay umabot sa 190 ang mga ikinasal mas mataas kung ikukumpara sa datos na naitala ngayong taon.

Paglilinaw ni Ginang Serrano, tanging mga residente lamang sa lungsod ng Cauayan ang tinanggap sa programa alinsunod sa pagdiriwang ng Civil Registration Month sa lung