--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang paghina ng approval ratings ni US President Joe Biden dahil sa naging performance niya sa nakalipas na Presidential Debate.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Jon Milegrito na nagkaroon ng malaking impact ang naging poor performance ni US President Joe Biden sa naging Presidential Debate nila ni Dating US President Donald Trump.

Dahil dito ay pinangagambahan ang land slide victory ni Former President Donald Trump.

Dalawang linggo matapos ang debate ay maraming democrates na miyembro ng House of Representatives ang nanawagan  na sa halip na si Biden ay ipalit na lamang si Vice President Kamala Harris bilang standard bearer ng Democratic Party.

--Ads--

Ilang buwan bago ang halalan ay marami ng kaalyado ni Biden ang nangangamba na baka matalo sila ng Republican Party at maaaring hindi na makuha ang Majority ng Kongreso.

Sa ngayon ay inaantabayanan kung magkakaron ng pagbabago sa kalusugan ni Biden at kung babalik ang sigla niya sa mga susunod sa araw habang nag papatuloy ang kaniyang pangangampaniya.