--Ads--
Archbishop Sergio Utleg of Achdiocese of Tuguegarao City

CAUAYAN CITY – Pinagtawan lamang at tinawag na fake news ni Archbishop Sergio Utleg ng Archdiocese of Tuguegarao City ang mga kumalat na leaflets na nagsasaad na “Mabuhay ang mga Komunistang pari” at kabilang siya sa pitong binanggit na pangalan.

Sa mga kumalat na leaflets sa Echague, Isabela ay nakasulat dito ang Communist Party of the Philippines Fortunato Camus Command, NPA Cagayan Valley at binanggit ang pangalan ni Archbishop Utleg at anim pang pari mula sa ibat ibang bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo ay naging matipid sa pagbibigay ng pahayag si Archbishop Utleg at tinawag na fake news ang mga kumalat na leaflets.

Ang tinig ni Archbishop Sergio Utleg

Iginiit niya na wala siyang idea at hindi alam kung ano motibo dito.

--Ads--