--Ads--

CAUAYAN CITY- Labis ang tuwa ng isang magulang matapos manguna ang kaniyang anak sa katatapos na Licensure Examination for Architects.

Nito lamang Enero 2025 ay Rank 1 sa Licensure Examination for Architects si Arch. Ckristel Janssen Daguio na tubong Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Mary Jane Daguio, Ina ni Ckristel, sinabi niya na bilang isang Ina ay hindi aniya maipaliwanag niya aniya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman nang malaman niya na ang kaniyang anak ang nanguna sa pagsusulit.

Hindi aniya nila lubos akalain na magra-rank 1 ang kaniyang anak dahil marami ang magagaling kaya naman ipinagpapasalamt nila na sa kaniya ito ibinigay ng Panginoon.

--Ads--

Napasok  ni Arch. Ckristel ang mundo ng Architecture dahil ang kaniyang tatay ay isa ring Architect at ang kaniyang Nanay ay isa namang Civil Engineer kaya naman malaki ang impluwensya ng kaniyang mga magulang sa propesyon na kaniyang tinahak.

Bata pa lamang siya ay isinasama na siya ng kaniyang Nanay sa Construction site kaya hindi na sila nagtaka na sumunod ito sa kanilang yapak.

Aminado naman sila na malaki ang advantage ni Ckristel dahil mayroon siyang first hand experience sa construction dahil habang nagrereiew siya ay sumasama siya sa site ng kaniyang mga magulang kung saan siya ang nagdidisenyo sa mga bahay na Ipinapagawa ng mga kliyente ng kaniyang mga magulang.

Dahil dito ay nagtapos si Cristel bilang Cum Laude at nakuha rin nito ang Best in Thesis.

Sa ngayon ay marami nang malalaking kumpanya ang nag-aalok ng trabaho sa kanilang anak ngunit sa ngayon ay magpapahinga na muna ito.

Pinayuhan naman niya ang mga kapwa niya magulang na suportahan lamang ang kanilang mga anak sa mga bagay na gusto nilang gawin sa buhay.