--Ads--

CAUAYAN CITY – Natuklasan ng mga kasapi ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company ang armed cache ng New People’s Army sa  Sitio Dunoy, Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ervin Langbayan ang Deputy Force Commander ng 1st IPMFC sinabi niya ang matagumpay na pagkakarekober nila sa imbakan ng armas ng mga NPA sa Brgy. Dibuluan dahil sa pagsisikap ng 1st IPMFC satulong na rin ng isang dating rebelde.

Nakuha sa lugar ang Medical Paraphernalia, Assorted Medicines, isang Shouldering Kit, isang Detonating Cord, isang unit cellular phone, dalawang sim cards, sharp nails, assorted wires, unfinished CTG flag, empty shells of different caliber, isang power inverter, dalawang CDs, tatlong extension wires, isang body camera, apat na bote ng IED powderat mga subersibong dokumento.

Ayon kay PCapt. Langbayan, batay sa mga nakuhang dokumento na nagamit ang naturang armed cash mula 2008 hanggang 2022 at hinihinalang aabot na lamang sa sampu ang nalalabing miyembro ng KomProb Isabela ang dating naglalagi sa naturang lugar.

--Ads--

Karaniwang ginagamit ang armed cache kabilang ang body cameras tuwing naglulunsad ng operasyon laban sa tropa ng pamahalaan gaya ng mga ambush operation para sa dokumentasyon na kanilang inilalabas para sa mga miyembro o mga bagong rekrut, habang ang mga IEd powders naman ay posibelng nagamit noon pang mga nakaraang taon.

Dahil sa tuloy tuloy na paghina ng pwersa ng mga NPA ay nalalapit na ang pagdedeklara sa lalawigan ng Isabela bilang insurgency free hanggang matapos ang taon dahil sa kawalan na ng aktibidad ng mga rebelde sa  probinsya.