--Ads--
Muling nakatakdang sumailalim sa arraignment at pre-trial si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Manila RTC Branch 12 sa Hunyo 30, alas-8:30 ng umaga.
Iniutos ni Judge Renato Enciso ang kanyang pagdalo matapos maipasa ng NBI-Cybercrime Division ang Return of Warrant of Arrest at paliwanag hinggil sa kanyang pagkakaaresto.
Nahaharap si Teves sa mga kasong may kaugnayan sa illegal possession of firearms at explosives, gayundin sa pagkakasangkot umano sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.
Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa PGH matapos sumailalim sa operasyon at nananatili sa kustodiya ng BJMP sa Bicutan.
--Ads--





