Nanindigan si Senator Kiko Pangiulinan nanatiling pending padin ang Impeachment Case ni Vp Sara kahit na inarchive na ito ng Senado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sen. Kiko Pangilinan, sinabi niya na ang pag-archive ng Senate ay isang pasya bilang Sensado at hindi bilang isang Impeachment Court dahil sa nakabinbin na Motion for Reconsideration na inihain ng House of Representatives.
Aniya, bilang ang Senado ang tumatayong impeachment court dapat ang Senado aniya ang nagpapasya at hindi ang Supreme Court na idineklarang void ab initio ang articles of impeachment.
Ang nakakalungkot aniya ng basahin nila ang ruling nakita ang maling mga datos ng Korte Sumprema na nagresulta sa kanilang pasya.
Mas naging mabuti pa sana aniya kung hinintay na lamang ng Senado ang desisyon sa mosyon ng Lower House sa halip na panindigan ang “Immediate executory”
Mismong ang News outlet aniya na ginamit bilang batayan ng Supreme Court ay naglabas na rin ng pahayag na itinatanggi ang kanilang inilabas na balita na hindi nagconvene ang Senado sa ika-apat na Impeachment Case na inihain ng Kamara.
Giit niya na bagamat iginagalang nila ang pasya ng Korte Suprema subalit ang panghihimasok nito sa dapat sana ay Sole Power ng Senado ay tila pagbalewala sa kanilang mandato bilang Impeachment Court.
Samantala, muli naman niyang binigyang linaw na ang taumbayan ang mismong nagpahayag na ng kagustuhan na malalaman ang katotohanan sa likod ng maanomalyang confidential funds ng Office of the Vice President.
Paglilinaw pa niya kailangan na litisin nila ang Impeachment Case hindi dahil sila ay Pro o Anti-Duterte kundi dahil mandato njila ito na nakasaad sa Saligang Batas dahil nag convene sila bilang impeachment court.











