--Ads--

CAUAYAN CITY  –  Pinayuhan ni Ginoong Lucky Salayog  ang mga kapwa artist na magpursige lamang at huwag mawalan ng pag-asa kapag hindi nabibigyan ng pagkakataon na mapuri ang kanilang mga gawain dahil darating ang tamang panahon para sa kanila.

Si Ginoong Salayog ay isang metal sculpture artist na gumawa ng artwork na ibinigay na regalo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Siya ay tubong Sillawit, Cauayan City ngunit taga-Aurora, Isabela ang kanyang misis kaya doon sila nakatira ngayon.

Nagkaroon ng pagkakataon si Ginoong Salayog na makadaupang palad sa Malakanyang si Pangulong  Duterte nang dalhin doon ang kanyang ginawang sculpture na sinabi umanong pinakamagandang regalo na natanggap ng pangulo.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Salayog  na sobrang saya ang kanyang pakiramdam dahil tila napaka-imposible noon na makadaupang palad ng ganoong katagal si Pangulong Duterte.

Umabot ng  tatlong buwan sa paggawa niya sa 3 feet na kulay gintong artwork.

Marami rin aniyang kapwa niya sculpture ang natuwa at nakakuha ng inspirasyon sa paggawa niya ng artwork.

Aniya, nagsimula rin siya sa wala ngunit nagpatuloy siya sa paggawa hanggang dumating ang magandang oportunidad para sa kanya.

Ang tinig ni Mr. Lucky Salayog