
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 26 barangay mula sa 12 na bayan sa Isabela ang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Angelo Naui, provincial veterinarian ang mga barangay at bayan na may kaso ng ASF.
Sa bayan ng Quezon ay ang Turod at Alunan.
Sa Quirino ay ang Villa Miguel, Turod at Sta Lucia.
Pinakamarami ang Roxas na nakapatala ng 7 barangay na kinabibilangan ng Bantug, San Antonio, Villa Concepcion, Malasin at pinakahuling naidagdag ang Munioz East, Simimbaan at Vira.
Ang Mallig ay ikalawa na may pinakamaraming barangay na apektado ng ASF ay ang Rang-ayan, Bimmonton, Casili, Sa Jose, Victoria at Centro Uno.
Sa Jones ay ang barangay Payak lamang ang nakapagtala ng kaso ng ASF.
Sa San Manuel ay ang District 2 habang sa Gamu ay ang Mabini at Union.
Sa Cordon ay ang Villa Miemban habang sa Reina Mercedes ang Santiago at sa Echague ay ang San Manuel at Pangal Sur.
Ayon kay Dr. Naui, mayroon pang mga barangay na under investigation at nasa DA region 2 na ang mga nakuhang blood samples.
Nilinaw din ni Dr. Naui na livelihood para sa mga manggagawa sa farm ni Gov. Rodito Albano sa San Pablo, Isabela ang mga baboy na isinailalim sa culling matapos maapektuhan ng ASF.










