Isang aso ang nangangailangan ng tulong matapos na panain ito ng limang Indian arrow.
Ayon sa Facebook page na BACH Project PH, agad silang nagtungo sa lugar upang i-rescue si Tiktok.
Nanawagan din sila ng dasal at tulong mula sa mga may mabubuting loob para sa kanyang pagpapagamot.
Sa kanilang sumunod na update, inanunsyo nila ang pabuyang P65,000 para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa may-sala.
Sa kabila ng matinding sinapit ni Tiktok, matagumpay ang naging operasyon sa kanya.
Siya ay kasalukuyang nasa ilalim ng close monitoring at nakatanggap na ng anti-tetanus, antibiotics, anti-inflammatory medicines, at pain relief.
Bukod dito, sasailalim din siya sa laser therapy sa loob ng pitong araw upang mas mapabilis ang paggaling ng kanyang mga sugat.





