CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang mga atleta at coaches ng Schools Division Office ng Isabela sa paparating na Palarong Pambansa 2024 sa susunod na buwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Education Program Supervisor at Division Sports Officer Manolo Bagunu kanyang sinabi na sa ngayon ay mayroon nang 73 na atleta ang SDO Isabela na kwalipikado sa Palarong Pambansa subalit inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na araw.
Aniya sa ikalabing walo ng Hunyo, ay magsisimula na ang kanilang puspusang in house training at inaasahan na wala silang magiging problema pagdating nila sa Cebu.
Maliban sa pisikal na pagsasanay ay sinasanay din ang isipan ng mga atleta upang hindi sila gaanong makaramdam ng pressure sa kompetisyon.
Wala naman umano silang problema sa pinansiyal dahil buo naman umano ang pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa kanila.
Ibinalita din ng pinuno na asahan na ng mga atleta ang mas malaking insentibo mula LGU dahil mas malaki umano ang pondong inilaan para dito.