Ipinagtanggol ni Atty. Harry Roque si ex-Pres. Rodrigo Duterte kung saan wala umanong kapangyarihan ang Quad Committee na imbestigahan ang dating pangulo sa pagkakasangkot sa extrajudicial killing o EJK.
Ayon kay Roque kung susundin ang separation of powers ay saka lamang gagana ang proseso ngunit kung patuloy ang panghihimasok ng lehislatura sa katungkulan ng ehekutibo sa paglilitis sa mga kasong kriminal ay hindi talaga mabibigyang katarungan ang mga biktima ng patayan.
Aniya balewala ang isinasagawang pagdinig ng Quad Committee kung hindi nila susundin ang tamang proseso.
Kung maalala, isiniwalat ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager at retired police colonel Royina Garma sa pagdinig ng house quad committee ang nalalaman ukol sa implementasyon ng war on drugs na ugat ng mga kaso ng EJK sa nakaraang administrasyon.
Si Atty. Roque ay isang buwan nang pinaghahanap kung saan nahaharap ito sa contempt at detention order mula sa House Quad Committee matapos bigong maisumite ang mga dokumento hinggil sa umano’y kaugnayan nito sa illegal POGO operations.