Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at ilang Diehard Duterte Supporters (DDS) dahil lamang sa isang ulam ang humba sa isang salu-salo sa The Hague.
Sa isang video na kumakalat sa social media, makikitang nagdiriwang si Roque kasama ang DDS nang lumutang ang komento online na nagsasabing kinain umano ni Roque ang humba na para raw sa grupo.
Agad na tumugon si Roque at sinabing handa siyang bayaran ang buong putahe. Nilinaw naman ng isa pang supporter na ang pagkain ay para sa lahat at hindi pag-aari ng sinuman. Hinikayat ni Roque ang DDS na huwag basta-basta magpapadala sa maling impormasyon online.
Hindi naman naiwasan na tawagin ng ilang netizens ang insidente bilang “crazy meltdown” ni Roque, habang ang iba naman ay nakakita ng mas malalim na simbolismo isang senyales ng pagkakawatak-watak sa hanay ng mga tagasuporta ni Dating Pangulong Duterte.









