--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot sa 1,039 mag-aaral ang naka-enroll ngayon sa Aurora Senior High School sa Aurora, Isabela na pinakamaraming enrollees sa  stand-alone Senior High School sa buong pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Principal Ruel Domingo ng Aurora Senior High School na ang Aurora Senior High School sa Aurora, Isabela ang may pinakamaraming enrollees sa stand alone Senior High School sa buong pilipinas at sa ikalawang rehiyon.

Anya Grade 11 at Grade 12 lamang ang mga nag-aaral ng Aurora Senior High School sa Aurora, Isabela na aabot sa isang libo at tatlumpu’t siyam na mga mag-aaral

Mahigit 2 ektarya ng lupa ang pinagtayuan sa tatlong palapag na gusali ng nasabing paaralan na mayroong 45 mga silid aralan.

--Ads--

Ito ay ginastusan ng Deapartment of Education ng mahigit P/60 million at counterpart naman ng Local Government Unit ng Aurora ang pag-donate sa 2 ektaryang lupa, Electrification at water system ng nasabing paaralan

Inihayag pa ni Principal Domingo na ngayon school year 2017-2018 pa lamang nagagamit ng mga mag-aaral ang Aurora Senior High School kung saan nakigamit sila sa mga gusali ng Donya Aurora National High School at Aurora Central School noong school year 2016-2017.