--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang auto electrician  matapos na masangkot sa pagtutulak ng iligal na droga sa Plaridel, Santiago City.

Ang suspek ay si Jonathan Gamurot, 34-anyos, binata, auto electrician at residente rin ng nabanggit na lugar.

Ikinasa ng Santiago City Police Office (SCPO) Station 1 ang anti illegal drug buybust operation laban sa pinahihinalaan at bitbit ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ay nakipagtransaksyon siya sa isang pulis na umaktong buyer kapalit ng P500.

Si Gamurot ay kabilang sa Street Level Individual List (SLI).

--Ads--

Inihahanda na ng Cordon Police Station ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa pinaghihinalaan na nasa kustodiya na ng nasabing himpilan.