--Ads--

CAUAYAN CITY – Nauwi sa pananaga ang away ng magkapitbahay sa Barangay Garit Norte, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag alaman na kapwa nakatira sa isang bahay pauhapan o boarding house ang suspek na si Don at biktima na si Nico na isang graduating student.

Bago ang insidente ay nag-iinuman umano ang dalawa nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa tinaga ng tatlong beses ng suspek ang biktima sa kaniyang likod.

Nagawa naman ng biktimang makatakbo at makahingi ng tulong sa kaniyang girlfriend na nasa kabilang boarding house lamang.

--Ads--

Nagtamo ng malalim na sugat sa likod ang biktima na agad na nilapatan ng paunang lunas ng mga rumespondeng kasapi ng Rescue Echague.

Napag-alaman na ang dahilan ng pagtatalo ay ang umanoy pagsita ng biktima sa suspek dahil sa umanoy pagbabasag nito ng bote sa harapan ng kanilang boarding house.

Sa ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan ang biktima dahil sa malubhang sugat na kaniyang natamo habang agad namang nadakip ang suspek at kasalukuyan nang nasa pangangalaga na ng Echague Police Station.