--Ads--

CAUAYAN CITY  Maituturing na away sa pamilya ang naganap na pagbaril at pagpatay sa isang lalaki sa Benguet, Echague, Isabela.

Ang biktima ay si Marlon Dacumos, 43-anyos, may-asawa habang ang pinaghihinalaan ay si Pepito Damitan, 69-anyos, biyudo at kapwa residente ng naturang lugar.

Ang biktima ay manugang ng pinaghihinalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Michael Esteban, hepe ng Echague Police Station na nagkaroon ng pagdiriwang ng kaarawan sa bahay ng pinaghihinalaan at habang masayang nag-iinuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

--Ads--

Sinaway umano ng pinaghihinalaan ang biktima upang matigil na ang kaguluhan na ikinagalit ni Dacumos na kumuha ng patalim saka hinabol si Damitan.

Dahil dito agad na kinuha ni Damitan ang kanyang converted Caliber 22 na baril at pinaputukan sa mukha si Dacumos na sanhi ng kanyang kamatayan.

Agad na sumuko ang pinaghihinalaan sa mga otoridad na tumugon sa naturang krimen.