--Ads--

Nadakip ang dalawang lalaki kabilang ang isang Pulis sa Bayombong, Nueva Vizcaya na di umano’y nasa likod ng pagdakip sa isang negosyante at caretaker sa Lalawigan ng Dagupan, Pangasinan.

Ang pulis na sangkot ay nakadestino sa Tinok Municipal Police Station ngunit ito ay nag AWOL o absent without official leave.

Ang mga biktima naman ay isang limamput siyam na taong gulang, negosyante na  residente ng San  Fabian, Pangasinan at ang limamput limang taong gulang na caretaker nito na residente naman ng Mangaldan, Pangasinan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid, sinabi niya una nang nadakip ang tatlong kasamahan ng mga suspek matapos masabat sa checkpoint sa Benguet dahilan kaya’t nasagip ang mga biktima na noo’y kasama nila sa loob ng sasakyan.

--Ads--

Nasa likod umano ng sasakyan ang mga biktima at naka-cover ang mukha nang masabat ng masagip sila ng mga awtoridad.

Hindi nasabat sa checkpoint ang Pulis at mga kasamahan nito sa checkpoint sa Benguet dahil naka-convoy sila sa sasakyan na kinaroroonan ng mga biktima at ipinakita ng AWOL na Pulis ang kaniyang mga Identification Card kaya nakalusot ang mga ito at tanging ang mga kasamahan lamang nila mula sa isang sasakyan ang nahuli.

Matapos ang pagkadakip sa 3 suspek sa Benguet ay nakipag-ugnayan umano ang mga kapulisan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office para sa pagkadakip sa dalawa pang pinaghihinalaan.

Dahil sa mayroong tracking device ang Van na sinakyan ng AWOL na pulis at kasama nito ay na track ang kanilang sasakyan na siya namang itinimbre sa mga NVPPO dahilan kaya’t nasabat ang mga ito Nueva Vizcaya.

Sasampahan naman sila ng kasong paglabag sa Omnibus Election code at nakikipag-uganayan pa sila sa Dagupan Police Station para sa iba pang kaso na isasampa sa mga ito.