Nasawi ang isang absent without official leave (AWOL) na pulis matapos mabarl sa Sitio Gungab, Barangay Poblacion, Albuera, Leyte.
Kinilala ang biktima na si Dexter Patun-og, 47, na AWOL noong 2007 at residente ng Bliss Bagong Buhay, Ormoc City, Leyte.
Ayon sa ulat, nanonood ng sabong ang biktima nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang gunman at pinaputukan siya.
Nagtamo ng maraming tama ng bala si Patun-og na naging sanhi ng agad niyang pagkamatay.
Naglunsad ng imbestigasyon ang Albuera Municipal Police Station at nagsagawa ng pursuit operation para matukoy at madakip ang suspek.
Ito ang pangalawang marahas na insidente sa lugar sa loob ng dalawang araw.
Matatandaan na noong Sabado, isang barangay chairman at ang kanyang driver ang nasugatan sa pananambang na kinondena naman ni Mayor Kerwin Espinosa.











