--Ads--

CAUAYAN CITY – May kakaibang tradisyon ang mga Koreano tuwing pagdiriwang ng Valentine’s Day dahil ang babae ang nagbibigay ng tsokolate sa lalaki.

Sa March 14 na tinaguriang White Day, ang lalaki naman ang nagbibigay ng candy sa babae.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Nelgilyn Park, tubong San Mariano, Isabela at nakapag-asawa ng Koreano na ang mga walang kasintahan ay nagdiriwang ng Black Day sa April 14 at kumakain sila ng jajangmyeon noodles o black bean-paste noodles na itim ang sauce.

Sa Araw ng mga Puso, ang mga magsing-irog ay nagkakaroon ng date sa pamamagitan ng pagkain sa labas o pagtungo sa tabi ng dagat.

--Ads--

Mas popular na ibinibigay sa Araw ng mga Puso sa South Korea ang tsokolate.  

Sa March 14, kung gustong mag-propose ang lalaki  sa babae ay magbibigay siya ng mga bulaklak.

Ayon kay Ginang Park, mas sweet ang mga Pinoy dahil may pasorpresa ang lalaki  o babae tuwing Valentine’s Day.

Ang mga Koreano aniya  ay abala sa trabaho at hindi pinaghahandaan ang Araw ng mga Puso.

Ang pahayag ni Ginang Nelgilyn Park.