--Ads--

Isang babae ang dali-daling iniahon sa tubig at dinala sa isang pribadong pagamutan sa Cauayan City dakong pasado alas-8 ngayong gabi matapos tumalon mula sa Sipat Bridge sa bahagi ng Barangay District 3.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Rescue 922 una silang nakatanggap ng ulat mula sa Cauayan city Police Station kaugnay sa pagtalon umano ng isang hindi pa kilalang babae na tinatayang edad 40-50, nakasuot ng maong shorts at itim na blouse mula sa Sipat Bridge.

Agad tumugon ang rescuers at dali-daling iniahon mula sa tubig ang biktima agad nag perform ng Cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang rescuers habang dinadala sa pagamutan ang biktima.

sa ngayon wala pang update sa kalagayan ng nasabing indibiduwal gayundin na wala pang kaanak ang nakikipag ugnayan sa kanila para sana matukoy ang pagkakakilanlan ng ginang.

--Ads--