--Ads--

Isang babae sa California, U.S.A. ang may hawak ng Guinness World Record para sa pinakamahabang dila sa mundo, at pinatunayan niyang hindi lang ito pang-display!

Si Chanel Tapper, 34, ang may-ari ng dila na may sukat na 3.8 inches. Dahil dito, madalas siyang makakuha ng mati­tinding reaksyon mula sa mga tao, mula sa simpleng pagka­gulat hanggang sa pagsigaw sa takot!

Bukod sa pagiging record-holder, ginamit ni Tapper ang kanyang kakaibang katangian para sa mga nakakatuwang trick.

Kaya niyang tanggalin ang mga bloke ng playing blocks na Jenga, i-flip ang mga plastic cups, at magbalanse ng kutsara gamit lang ang kanyang dila.

--Ads--

Dahil sa kanyang natatanging talento, nagkaroon siya ng pagkakataong lumabas sa iba’t ibang projects, kabilang na ang isang advertising campaign para sa isang kilalang Italian fashion brand.

Talaga namang hindi lang haba ng dila ang asset ni Tapper, pati ang pagiging creative sa paggamit nito