--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) region 2 ang ikatlong nasawi sa Lambak ng Cagayan sanhi ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ang nasawi ay si CV242 na 43 anyos na babae na residente ng City of Ilagan, Locally Stranded Individual (LSI) na galing sa Maynila at umuwi sa Isabela noong July 22, 2020.

Nakaranas siya ng hirap sa paghinga at dinala sa ospital ngunit binawian siya ng buhay dahil sa kanyang pancreatic cancer.

Si CV243 ay 23 anyos na lalaki na taga-Solana, Cagayan, LSI at galing sa Quezon City.

--Ads--

Nakauwi siya sa kanilang lugar sa ilalim ng Balik-Probinsiya Program ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan.

Ang ikatlong bagong COVID-19 positive na si CV244 ay 67 anyos na babae na taga-Cauayan City ay LSI na galing sa Sampaloc, Maynila.

Ang pasyente ay nasa quarantine facility ng pamahalaang lunsod ng Cauayan.

Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 3 bagong COVID-19 positive sa Isabela at Cagayan.