CAUAYAN CITY-Naaresto ang isang babae matapos magbenta ng pre-registered simcard sa harap ng isang mall sa District 2, Cauayan City.
Ang pinaghihinalaan ay Angel di tunay na pangalan, 25, at residente ng Cabaruan, Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang nasabing pinaghihinalaan ay inaresto ng mga kasapi ng Santiago City Cyber Response Team ang Lead Unit sa operasyon katuwang ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station.
Ito ay matapos ang matagumpay na entrapment operation kung saan nagbenta umano ang pinaghihinalaan ng mga pre-registered simcard sa halagang 500 pesos.
Narecover sa operasyon ang perang ginamit sa transaction, nasa dalawampong simcards, at cellphone.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng pulisya ang pinaghihinalaan na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 11934 o SIM Registration Act.
Ayon naman sa pinaghihinalaan na si Angel ay alam naman niyang bawal ang kanyang ginagawa subalit depensa niya ay ibibenta lamang niya ang mga pre-registered simcards sa mga walang ID at hindi sa mga mayroon nang IDs para sa registration.











