CAUAYAN CITY – Natagpuan na ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRMMO) Santo Tomas, mga kasapi ng Santo Tomas Police Station at Cabagan Police Station ang bangkay ng babaeng nahulog sa Cansan Overflow Bridge sa Cansan, Cabagan, Isabela.
lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na maaring nawalan ng balanse ang biktima matapos bumangga ang minamanehong tricycle sa gilid ng tulay.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa MDRRMO Santo Tomas at Cabagan Police Station ang biktima ay si Ginang Marilyn Masiddo,30 anyos, residente ng San Rafael Alto, Sto. Tomas, Isabela.
Sakay din ng tricycle ang tiyunin ng biktima na si Rodolfo Aggabao, 58 anyos at mga kamang-anak na si Ginang Marisol Massiddo at tatlong bata.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Rey Lopez, hepe ng Cabagan Police Station , lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na patungo sana sa Cauayan City ang mag-anak nang maganap ang aksidente .
Iniwasan umano ng tsuper ang lubak na bahagi ng tulay dahilan upang bumangga ito sa gilid ng overflow bridge na nagsanhi upang mahulog sa tulay ang biktima matapos mawalan ng balanse.