--Ads--

CAUAYAN CITY- Tiniyak ni Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar na muling babangon at kikilalanin bilang isa sa greatest city ng PiliPInas ang lunsod ng Marawi sa oras na matapos ang kaguluhan sa lugar.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Andanar na puntirya ng pamahalaan na matapos sa lalong madaling panahon ang bakbakan sa lunsod.

Inihayag din ng kalihim na agad isasagawa ang rebuilding at rehabilitation sa Marawi City upang muling manumbalik ang katahimikan at kaayusan ng lugar.

Samantala, kinumpirma rin ni Secretary Andanar na nakikipagtulungan na rin ang ibat ibang bansa tulad ng Australia na nagpadala ng dalawang strike plane upang tuluyang masawata ang Maute ISIS Group sa Mindanao.

--Ads--

Layunin nito na dito palang sa Pilipinas ay maubos na ang ISIS upang hindi na kakalat pa sa iba pang bahagi sa Asya.

Umapela rin siya ng dasal para sa mga sibilyan na naiipit sa kaguluhan at para sa mga tropa ng pamahalaan na nakikipagbakbakan sa teroristang grupo.