--Ads--

CAUAYAN CITY– Nanganak ang isang ginang habang nasa himpapawid ang sinasakyang island plane mula coastal town ng Divilacan, Isabela at lumapag sa Cauayan City Airport.

Ang nanganak ay si Mrs. Shirley Obias, 33 anyos, residente ng Dilakit, Divilacan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mr. Eugenio Guillermo, team leader ng Rescue 922 na nakatanggap sila ng tawag mula sa Cyclone Airways na may nanganak sa loob ng isa nilang island plane.

Sa kanilang pagtugon ay nakita nila ang ipinanganak ni Gng. Obias na malusog na baby girl at pinangalanang Sky.

--Ads--

Ang baby girl ay ikapitung anak na ni Ginang Obias.

Sinabi pa ni Mr. Guillermo na noong sumakay si Ginang Obias sa eroplano sa Divilacan ay wala namang siyang anumang nararamdaman bagamat alam niyang kabuwanan na niya.

Noong nasa himpapawid na ang eroplano ay nagsimula nang mag-labor ang ginang na tinulungan ng mga crew at mga pasahero.

Matapos lumapag ang eroplano ay pinagtulungang asikasuhin ng mga kawani ng Rescue 922 bago dinala sa Cauayan District Hospital (CDH).

Ang tinig ni Mr. Eugenio Guillermo