--Ads--

CAUAYAN CITY- Nahuli na ang ikatlo sa apat na mga suspek sa kasong carnapping sa isinagawang manhunt operation ng Highway Patrol Group Isabela.

Ang suspek na kinilalang si Alyas Rogel, 29-anyos, may asawa, backhoe operator at residente ng Brgy. Pasa, Ilagan City Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PEMS Reymel Pauig, sinabi niya na si alyas Rogel ang pangatlo sa apat na suspek na nahuli ng kanilang hanay.

Nauna na rito ay nasakote na rin ng mga awtoridad ang dalawa pa sa Caloocan City at Tuguegarao City habang ang isa naman ay napabalitang namatay na.

--Ads--

Nasa P180,000 ang rekomendadong piyansa ni alyas Rogel para sa kanyang pansamantalang paglaya.