--Ads--
CAUAYAN CITY – Umabot na sa 9,000 ang backlog na driver’s license sa Land Transportation Office (LTO) Cauayan City simula noong January 1.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Deo Salud, head ng LTO Cauayan City, sinabi niya na marami pa ang hindi nabigyan ng driver’s license card dahil sa kakulangan ng suplay.
Maaari namang gamitin pansamantala ang kanilang resibo bilang patunay na sila ay nakapag-request na ng kanilang lisensya habang wala pang dumarating na plastic cards.
Inaasahan naman ng LTO ang pagdating ng mga plastic cards ngayong buwan ng Enero.
--Ads--
Ayon kay Salud, kapag nakarating na sa kanilang tanggapan ang mga plastic cards ay agad nila itong ipapamahagi.