--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa ang patay sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa kahabaan ng lansangan sa barangay Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang motorsiklo ay minamaneho ng Francis Bay-ong, 26 anyos, binata, magsasaka, residente ng Itab, Aguinaldo, Ifugao.

habang ang Tricycle ay minamaneho ni Felix Garcia, 50 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa pagsisiyasat ng Diadi Police Station ang motorsiklo ay mabilis ang takbo patungong kanluran direksiyon nang biglang tumawid sa kabilang linya sanhi para masalpok ang paparating na tricycle.

--Ads--

Tumilapon ang motorsiklo maging ang tsuper na si Bay-ong at kanyang backrider na si Chiquito Rufino na residente ng Tupaya , Lagawe, Ifugao.

Dinala ang mga biktima sa Diadi Emergency Hospital upang malapatan ng lunas ngunit idineklarang dead on arrival si Rufino.

Natuklasang walang lisensiyang magmaneho si Bay-ong bukod pa sa nagpositibo sa alcoholic breath test batay sa pagsusuri ng manggagamot.