--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang backrider ng motorsiklo habang sugatan ang tsuper nito matapos mabangga sa barangay road ang isang kalabaw sa Anggasian, Ilagan City

Ang namatay ay ang backrider na si Herson dela Cruz, 28 anyos habang ang sugatan ay ang nagmaneho ng motorsiklo na si Reydimar Domingo,31 anyos, may-asawa at kapwa residente ng Centro San Antonio, Ilagan City

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt. Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station, binabagtas ng mga biktima ang daan patungong Centro San Antonio nang mabangga ang isang kalabaw na nasa daan.

Dahil dito, tumilapon pa ang mga biktima at agad na idinala sa a San Antonio Municipal Hospital ng tumugong Rescue 1124 ngunit binawian ng buhay ang backrider na si Dela Cruz.

--Ads--

Patuloy naman na nagpapagaling si Domingo dahil sa tinamong sugat sa kanyang katawan.