Emosyunal at tila nasa alapaap ang isang bagong abogada na nagtapos sa Isabela State University Cauayan-Campus College of Law sa pagkakapasa sa katatapos na Bar Exam 2024.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Bannylyn Mae Silaroy Gamit, Bar Passer 2024 sinabi niya na labis at walang mapagsidlan ang kaniyang saya dahil isa siya sa mga pinalad na makapasa.
Aniya bagamat nakapasaya sa pakiramdam ay hindi ito lubusang makapagsaya dahil marami rin ang hindi pinalad na pumasa sa kabila ng pagiging isang working student.
Iba aniya ang pakiramdam ng kaba at tensyon na kaniyang nadama nang makitang lumabas ang pangalan niya sa listahan ng Supreme Court.
Isa sa mga nasa likod niya sa kaniyang tagumpay ang kaniyang ama na siyang nagtulak sa kaniya para maging abogada.
Aniya 2021 nang pumanaw ang kanyang ama at kasabay ng pagkawala ng isa sa kaniyang mga inspirasyon, dito rin nagsimula na kwestiyunin niya ang sarili kung kakayanin pa niyang tapusin ang pag-aaral ng Law.
Hindi niya lubos maisip na kahit sumakabilang buhay na ang kaniyang tatay ay magagawa pa rin niyang maibahagi ang magandang balita na isa na siyang abogado.
Bago ang exam ay maraming mga pamahiin ang kaniyang ginawa kabilang na ang pagsusuot ng pulang underwear maliban pa sa matinding panalangin ng kaniyang pamilya na umakyat pa ng Baguio City para ibigay ang buong suporta sa kaniya at nagsagawa ng prayer brigade sa Cathedral sa loob ng tatlong araw.