--Ads--

CAUAYAN CITY- Labis ang panlulumo ng isang Barangay Kagawad sa Masipi East, Cabagan, Isabela matapos na pagtatagain ng hindi kilalang suspek ang kanilang alagang kalabaw.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jerry Viloria ang may-ari ng dalawang taong kalabaw, sinabi niya na kabiili lamang niya nito sa kaniyang pamangkin.

Aniya binisita niya ng kalabaw dahil unang beses itong naipastol subalit wala na umano ito sa lugar kung saan niya ito iniwan.

Natagpuan ang kalabaw sa kabilang bahagi ng pastulan at doon tumambad ang mga taga sa likurang paa at buntot nito.

--Ads--

Hinala nila na sinadyang tagain ang kanilang kalabaw dahil natuklasan nila na unang pinagtataga ito habang naka tali sa puno ng bayabas subalit dahil sa pananaga ay naputol ang tali nito.

Ito aniya ang unang pagkakataon na nangyari ito sa kanilang lugar at ang nakakapagtaka ang kalabaw pa nila ang napiling atakehin.

Dahil sa mga sugat na natamo ng kalabaw ay napilitan silang katayin na lamang ito.

Matapos ang insidente ay iminungkahi na paigtingin ang pagbabantay sa kanilang nasasakupan.