--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi makapaniwala si Lola Maria Isabel T. Ballesteros, animnapu’t anim na taong gulang, isang balo at residente ng Purok 4 Sta. Luciana Cauayan City Isabela na siya ay mapapabilang sa listahan ng dumaraming Bombo Millionaire.

Aniya dahil sa kaniyang taimtim na panalangin sa lahat ng mga santo ay naipagkaloob sa kaniya ang isang milyon na grand prize at mapabilang na ika pitumpu’t apat na Bombo Millionaire sa katatapos na grand draw ng One Two Panalo Part 20 ng Bombo Radyo Philippine at Star FM.

Ayon kay Ginang Ballesteros nakasubaybay siya sa grand draw at nang marinig ang kaniyang pangalan ay napatalon siya sa sobrang siya.

Matapos mai-anunsiyo ang kaniyang pangalan ay nagmistula aniya siyang instant celebrity dahil nagtungo sa kaniyang bahay ang ilang kapitbahay maging kaniyang mga anak upang manghingi ng balato.

--Ads--

Sa kabila nito nangibabaw ang pagnanais ni Ginang Ballesteros na ibigay ang kalahati ng kaniyang napanalunang premyo sa kaniyang bunsong anak na si Jeffrey upang siya ay makapag pabahay, makapagpakasal, makapagpabinyag at may maipantustos sa kaniyang dalawang nag-gagatas pang anak.

Maliban dito ay nais rin ni Ginang Ballesteros na maipagamot ang kaniyang mga mata na may malabong paningin dahil sa kaniyang sakit na glaucoma at Catarata na apat na taon na rin niyang iniinda, maliban pa sa kaniyang sakit na hypertension.

Dagdag pa niya na kung hindi dahil sa buwanang remittance ng kaniyang dalawang anak na kasalukuyang nasa abroad, ay hindi niya alam kung saan kukunin ang ipantutustos sa kaniyang maintenance dahil naisanla na niya ang kaniyang bukid mula ng mamatay ang kaniyang asawa noong taong 2017.

Labis naman ang kaniyang pasasalamat kay Dr. Rogelio Florete sa pagdaraos ng mga papromo kung saan isa siya sa mga mapapalad na nanalo ng isang milyong piso, dahil bago paman pumanaw ang kaniyang asawa at mapagtapos ang kaniyang apat na anak ay tanging pagsasaka at pangingisda ang kanilang ikinabubuhay.

Hindi rin makapaniwala ang kaniyang anak na si mabubunot at mananalo ng isang milyong piso ang kaniyang nanay.

Inihayag ni Jeffrey Ballesteros ang bunsong anak ni Lola Ma. Isabel Ballesteros ang Grand prize Winner sa katatapas na grand Draw ng one Two Panalo part 20 promo, na nung una ay hindi niya pinaniwalaan ang ipinarating na balita sa kaniya ng ilang mga kapitbahay na ang nanay niya ang nagwagi ng isang milyong piso na grand prize.

Aniya, sang-ayon siya sa kagustuhan ng kaniyang nanay na ibigay sa kaniya ang limang daang libong piso mula sa mapapanalunang premyo sa kagustuhan nitong makapag pabahay siya, dahil sa ngayon ay nakikitira lamang siya sa kaniyang beyanan, gayundin na makapag-pakasal na sila ng kaniyang kinakasama at mapabinyagan ang kaniyang dalawang anak.

Sa ngayon siya ay nagtratrabaho sa isang bilang helper sa isang bakery sa Lunsod at nagdedeliver rin ng tinapay sa isang bakery sa loob ng malaking mall sa Lunsod, bagamat sapat ang kinikita ay hindi naman umano siya nakakaipon para sa iba pang pangangailangan ng kaniyang pamilya.